Paano paghandaan ang possible invasion at war?

Paano paghandaan ang possible invasion at war

Ang banta sa national security ng mga agresibong bansa ay isang malaking isyu na dapat pagtuunan ng pansin ng bawat Pilipino.

Ang pagsakop ng Russia sa Ukraine noong 2022 ay nagdulot ng malaking pagkabahala at pag-aalala sa maraming tao sa buong mundo.

Ito ay dahil nawala ang matagal nang paniniwala na ang panahon ng mga pananakop ay tapos na.

 

Paano paghandaan ang pagsakop sa bansa at dulot na giyera nito?

Ang paghahanda para sa posibleng digmaan o paglusob ay isang seryosong bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Kaya for the sake of awareness, nag research tayo kung paano natin ito paghahandaan.

 

Ihanda ang sarili

Ang priority sa sarili at sa pamilya ay pinakamahalagang bahagi ng paghahanda sa anumang uri ng krisis o panganib.

Kailangan nating i-secure ang sarili at pamilya, dahil ang pamilya ay ang basic unit ng isang community.

Bumuo ng emergency kit

Mahalaga ang pagbuo ng isang emergency kit o bug-out bag na naglalaman ng mga essential items tulad ng mga sumusunod.

  1. Pagkain: Pack ng non-perishable food tulad ng canned goods, energy bars, dehydrated meals, at iba pang pagkain na may mahabang shelf life.
  2. Tubig: Sapat na supply ng tubig para sa kalahating litro kada araw bawat tao, maaaring i-store ito sa mga bottled water o sa mga water container na sanitized.
  3. First Aid Kit: Basic first aid supplies tulad ng bandages, antiseptic solution, mga gamot para sa sakit ng ulo o lagnat, at iba pang gamot para sa common na sakit o injury.
  4. Flashlight at Batteries: Portable flashlight na may kasamang extra batteries o solar-powered flashlight.
  5. Emergency Radio: Hand-crank or battery-operated radio para sa pagtanggap ng updates at impormasyon mula sa mga awtoridad.
  6. Mga Basic Tools: Swiss army knife, multi-tool, o iba pang mga gamit na makakatulong sa pang-araw-araw na gawain o sa mga emergency repairs.
  7. Personal Hygiene Items: Toothbrush, toothpaste, wet wipes, tissue, at iba pang mga personal hygiene items.
  8. Extra Clothing: Pack ng mga extra clothing at jacket para sa pagbabago ng panahon o temperature.
  9. Blanket o Sleeping Bag: Para sa kumportableng tulog o pagpapainit sa malamig na klima.
  10. Important Documents: Photocopies ng mga importanteng dokumento tulad ng IDs, passports, birth certificates, at iba pa.

Mag-stockpile essential supplies

Mahalaga talaga ang pag-stockpile ng essential items para sa kahandaan sa anumang uri ng krisis o emergency situations.

Sa pamamagitan nito, nagkakaroon tayo ng available stocks ng pagkain at tubig, pati na rin ang kahandaan sa anumang sakuna tulad ng lindol, bagyo, o brownout.

Hindi lang ito para sa ating sarili, kundi para rin sa kaligtasan ng ating pamilya.

Sa pagkakaroon ng mga essential items tulad ng first aid supplies at flashlight, mas nabibigyan natin ng proteksyon at seguridad ang mga mahal natin sa buhay.

Bukod pa rito, ang pagkakaroon ng sapat na supply ay nagbibigay din sa atin ng pagkakataon na makatulong sa ating kapwa sa panahon ng pangangailangan.

Sa kabuuan, ang pag-stockpile ng mga essential items ay nagbibigay sa atin ng kapanatagan at kakayahan na harapin ang anumang hamon ng buhay.

Gumawa ng bugout plan

Sa pagbuo ng bugout plan at pagpili ng mga lokasyon, mahalaga na isaalang-alang ang ilang mga factors upang matiyak na epektibo at ligtas ang plano.

Narito ang ilan sa mga bagay na dapat iconsider:

  1. Proximity – Piliin ang mga bugout locations na may katamtamang layo mula sa inyong tahanan, ngunit hindi masyadong malayo na mahirap puntahan sa oras ng pangangailangan. Dapat ding isaalang-alang ang accessibilidad ng lokasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang mode ng transportation.
  2. Kaligtasan – Siguraduhing ang mga bugout locations ay ligtas at hindi maaapektuhan ng mga potensyal na panganib tulad ng baha, landslide, o iba pang natural disasters. Mahalaga rin na isaalang-alang ang seguridad mula sa kriminalidad o anumang iba pang panganib sa lugar.
  3. Suplay ng Tubig at Pagkain – Pumili ng mga lokasyon na mayroong sapat na suplay ng tubig at pagkain, o may kakayahan na mag-produce ng mga ito sa oras ng emergency. Mahalaga rin ang pag-access sa mga natural na mapagkukunan ng tubig tulad ng ilog o bukal.
  4. Shelter – Tukuyin ang mga lokasyon na mayroong sapat na shelter o mapagkukunan ng proteksyon laban sa panahon tulad ng mga gusali, kubol, o kagubatan.
  5. Komunidad – Kilalanin ang mga komunidad sa paligid ng mga bugout locations at tingnan kung mayroong pagkakataon para sa kooperasyon at suporta sa oras ng pangangailangan. Ang pagkakaroon ng mga kaibigan o kakilala sa lugar ay maaaring makatulong sa inyong kaligtasan at pag-aayos sa panahon ng krisis.

Ang pagbuo ng bugout plan at pagpili ng locations, ay nangangailangan ng masusing pag-aaral at pagpaplano.

Relocation

Ang relocation o paglipat sa ibang lugar ay pinakang mabisang paraan upang maiwasan ang kaguluhan na maidudulot ng invasio.

Isa itong malaking desisyon na kailangang pag-aralan at paghandaan ng mabuti.

Ang pagtuon ng pansin sa paglipat sa ibang bansa o paghahanap ng ligtas na lugar sa loob ng bansa ay depende sa kakayahan ng pamilya.

Kung ang pangunahing focus ay magkaroon ng mas magandang oportunidad sa trabaho, edukasyon, o kabuhayan sa ibang bansa, maaaring maging praktikal ang pagtingin sa mga option na ito.

Gayunpaman, kung ang pangunahing prayoridad ay ang kaligtasan at seguridad, mas maigi na maghanap ng isang ligtas na lugar sa loob ng bansa.

Ang pagpapasya ay dapat na batay sa masusing pagsusuri ng mga factors tulad ng kalagayan ng ekonomiya, pulitika, klima, at kalidad ng buhay sa iba’t ibang mga posibleng lokasyon.

Mahalaga ring isaalang-alang ang kakayahan ng pamilya na mag-adjust sa bagong kapaligiran at kultura.

Sa huli, ang mahalaga ay maging handa at maging maingat sa pagpili ng tamang desisyon na magbibigay ng maayos na kinabukasan para sa inyong pamilya.

Stay informed

Mahalaga ang laging informed sa mga pangyayari sapagkat magkakaroon ka ng kakayahang magplano ng maayos sa mga potensyal na krisis, makapagpasya nang wasto sa mga mahahalagang bagay, at magkaroon ng tamang kaalaman upang makatulong sa iba.

Subalit, sa panahon na niluluto ang isang invasion, dumarami rin ang mga pekeng balita, propaganda, at maling impormasyon na kumakalat sa mga social media at iba pang platforms.

Upang malaman ang tunay na katotohanan, lets stay connected doon sa mga mapagkakatiwalaang sources ng balita at laging i-verify ang impormasyon bago ito paniwalaan o ibahagi.

Maaaring gamitin ang mga reputable news outlets, fact-checking websites, at iba pang mga mapanuring pag-aaral upang matiyak na tama at totoo ang impormasyon na ating natatanggap.

Beware sa mga platforms, apps, medias at iba pang nagbibigay ng information na konektado sa bansang kaaway ng estado.

Sa ganitong paraan, mapipigilan ang paglaganap ng maling impormasyon at mapapanatili ang kaalaman ng publiko sa tamang direksyon.

Mag-enlist sa Military

Ang pag-enlist sa military ay nagbibigay ng pagkakataon sa isang indibidwal na maglingkod sa kanilang bayan at ipagtanggol ang kanilang bansa mula sa mga banta sa seguridad.

Ang military ay naglalaan ng proteksyon at seguridad sa buong bansa, kabilang ang pagtugon sa mga krisis at disaster situations.  Ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga miyembro ng military ay mahalaga upang tumaas ang kakayahan ng estado na ipagtangol ito laban sa mga manlulupig.

Bukod sa serbisyo sa bayan, ang pagpasok sa military ay nagbibigay ng mga oportunidad para sa libreng edukasyon at training sa iba’t ibang larangan tulad ng technical, character, at iba pa, na maaaring maging kapaki-pakinabang para sa hinaharap.

Bagamat may mga panganib sa paglilingkod sa military, tulad ng posibleng pagkakasugat o pagkamatay sa oras ng gera, ang mga tunay na tapat sa bayan ay tinatanggap ang responsibilidad na ito bilang bahagi ng kanilang tungkulin bilang mga citizen ng bansa.

 

Magpalista bilang volunteer

Personally, gustuhin ko mang magpalista bilang reserve force, ay wala naman akong kakayahang pisikal para gampanan ito.

Phisically, maliit lang ako, may mga sakit na nararamdaman, bagaman gustong tumulong sa militar, baka maging pabigat lang tayo doon sa oras ng emergency.

Pero kahit hindi ka physicaly capable o hindi mo gustong mag-enlist sa military, maraming pa din namang paraan upang makatulong sa bayan, lalo na sa oras ng emergency.

Katulad ko, maaari akong mag volunteer sa kampo at gampanan ang mga trabaho na kaya kong gawin sa larangan ng cyber security, communication, engineering, at marami pang iba.

Dahil sa oras ng giyera, ang mga ito ay patuloy na kailangan ng bansa upang mapalakas ang depensa natin.

Pwede tayong tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagtatanim ng makakain, paggawa ng damit, armas, sasakyan, equipments, at mga pangangailangan sa frontline.

Pwede din nating gamitin ang mga profession natin lalo na kung may kinalaman sa medicine dahil tanggapin na nating marami ang masasaktan pag tayo ay na-invove sa giyera.

With this, wala tayong pwedeng i-dahilan para tumakbo at magtago na lang habang ang mga taong nagtatanggol sa atin ay nagsasakripisyon ng sariling buhay sa front line.

 

Bakit kailangan nating ma involve?

Kapag nangyari ang invasion, maraming magiging epekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Mawawala ang lahat ng nakasanayan natin sa araw-araw.

Kung naghihirap ka ngayon, mas mahirap ang buhay kapag tayo ay nilupig.

Mawawala ang hanap buhay, trabaho, ari-arian, pamilya, mga kaibigan, at kahit mga simpleng kasiyahan.

Pipilitin ka ng mga mananakop na sundin ang qualities na nais nila.

Sapilitan kang tuturuan ng bagong kultura, language, religion, at ideologies.

Mawala ang karapatan mo bilang tao, o human rights.

Maaari kang maging alipin, abusuhin, saktan, pagtrabahuin ng walang bayad, o patayin.

Paano ang sarili at pamilya natin?

Magiging mas mahirap at masalimuot ang buhay ng samabayanan kapag ito ay mangyari.

 

Be prepared

Sa kabila ng mga banta ng invasion, mahalaga na manatiling matatag at nagkakaisa bilang isang bansa.

Umpisahan natin sa paghahanda sa sarili at pamilya, at pagiging involve sa community.

Huwag na nating hintaying gumising sa isang umaga na nasa bakuran na natin ang mananakop at may bago na tayong nationality.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagiging informed sa current events, at pagiging handa, maaari nating malampasan ang anumang hamon na ating hinaharap.

Sama-sama tayong kumilos upang itaguyod ang kapayapaan, katarungan, at kalayaan para sa lahat.

Mabuhay, mga Pinoy Preppers!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *