Xi sa army: Maghanda para sa naval military conflict

Xi sa army Maghanda para sa naval military conflict

Sinabi ni Chinese President Xi Jinping sa military ang puspusang preparations for war, lalo na sa conflicts sa dagat.

Sabi niya, kailangan nilang mag-coordinate para sa posibleng military conflicts sa dagat, para protektahan ang maritime rights and interests ng China, pati na rin ang development ng maritime economy.

Dagdag pa niya, kailangan ng pag-develop ng cyberspace defense system at pag-improve ng ability para mapanatili ang national network security.

Sa kabilang banda, sinabi ng Taiwanese defense ministry na kapansin pansin yung grey-zone warfare ng China sa kanila.

Saturated na ang paligid ng Taiwan with balloons, drones, at civilian boats.

 

Ano ang gray zone?

Ang “grey-zone” warfare ay isang uri ng strategy na gumagamit ng hindi malinaw na pwersa o tactics para manggulo o manakot, upang hindi na umaabot sa war confrontations.

Sa kaso ng Taiwan at China, mukhang ginagamit ng China ang grey-zone warfare para i-saturate ang paligid ng Taiwan ng mga balloons, drones, at civilian boats upang maiwasan ang maagang direct military conflicts.

Ito ay paraan para ma-stress o i-exhaust ang kalaban ng hindi kinakailangang gamitin ang pwersang militar.

Ang ganitong tactics ay hindi ganun kadali i-address o i-defend compared sa traditional na military confrontation.

 

West Philippine Sea Conflict

Beijing is claiming almost all of the resource-rich sea, at kabilang na yung mga parte ng teritoryong kasama sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Mahirap sabihin, pero ang mga tensiyon sa South China Sea ay malaki ang potensyal na makaapekto sa national security ng mga bansa sa rehiyon, kasama na ang Pilipinas.

Ang mga territorial disputes at maritime conflicts ay maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa ekonomiya at political stability ng isang bansa.

Ang China ay isang malaking trading partner ng maraming bansa, kabilang na ang Pilipinas.

Kaya kahit na idinadaan na nila ito sa pisikalan, mahalaga pa din ang diplomatic approach para mapanatili ang magandang ugnayan sa gitna ng mga bansa, kahit may mga disagreement sa ibang aspeto.

Sa ganitong mga sitwasyon, ang pagkakaroon ng open dialogue at paghahanap ng peaceful resolutions ay mahalaga para mapanatili ang stabilitiy at economic growth.

Hindi natin alam kung mauuwi ito sa full-scale invasion, pero ang ganitong mga sitwasyon ay nagdudulot ng uncertainty at kaba.

Ano ang sa tingin mo ang dapat gawin para ma-balance ang diplomatic relations at ang pangangailangan ng national security?

 

Be prepared

Bilang ordinaryong Pilipino at prepper, mahalaga ang pagiging handa sa anumang posibleng krisis.

Maari kang gumawa ng emergency kit na may kailangang supplies, alamin ang local na emergency procedures, at magkaruon ng plano para sa komunikasyon sa pamilya sa oras ng kagipitan.

Pag-aralan ang basic na first aid at siguruhing may tamang financial planning, kasama na ang emergency fund.

Isama ang basic security measures sa iyong bahay at maging aware sa environmental changes sa iyong lugar.

Magkaruon din ng community involvement sa mga preparasyon para sa krisis.

Sa ganitong paraan, maari mong mapabuti ang kahandaan ng iyong pamilya sa anumang hindi inaasahang pangyayari.

Ano ang sa tingin mo?

May iba ka pang idea kung paano natin paghahandaan ito?

One thought on “Xi sa army: Maghanda para sa naval military conflict

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *