Mag-prepare at maki-isa sa Nat’l Earthquake Drill sa March 25, 2024

Maki-isa sa Nat'l Earthquake Drill sa darating na March 25, 2024

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), magkakaroon ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na gaganapin sa March 25, sa ika 9 ng umaga.

Kasama sa drill ang sasanay sa “duck, cover and hold,” pero wala pang anouncement kung saan ang venue at scenario para sa NSED ngayong quarter.

 

Ano ang NSED?

Ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ay isang quarterly exercise na naglalayong itaas ang antas ng awareness, at paghahanda ng mga mamamayan sa mga lindol.

Layunin din nito ang pagpapalakas ng paghahanda ng mga local governmnet sa mga epekto ng malakas na pagyanig ng lupa, at ang mga kasunod na disaster at panganib tulad ng sunog, tsunami, at liquefaction.

 

Paano paghandaan ang lindol?

Ang paghahanda sa lindol ay importante para sa kaligtasan ng lahat. Narito ang ilang tips:

1. Alamin ang Emergency Plan

Binuo man ng pamilya o developed kahit sa lugar ng trabaho, mahalaga ang pagkakaroon ng emergency plan. Kabilang dito ang pagpaplano at pagtatalaga ng mga meeting place, paglilista ng mga contact numbers, at pagbuo ng emergency kit, at pagkakaroon ng alternative ways of communications. Ituro sa pamilya, lalo na sa mga bata, ang tamang gawain sa panahon ng lindol. Kasama na dito ang “duck, cover, and hold” na naging bahagi ng NSED.

2. Gumawa ng Emergency Kit

Maghanda ng emergency kit na may laman na essential supplies tulad ng tubig, pagkain, first aid supplies, flashlight, at iba pang pangangailangan sa loob ng tatlong araw, o higit pa.

Ilagay ang emergency kit malapit sa labas ng pintuan para madaling makuha sa oras ng pangangailangan, at siguruhing regular na i-check ang nilalaman nito.

 

3. I-Secure ang Bahay

I-secure ang mga gamit sa bahay, lalo na ang mga mabibigat na bagay, upang maiwasan ang posibleng pinsala.

Mahalaga ang pagse-secure ng mga gamit sa bahay dahil ito ay nagbibigay ng proteksyon laban sa posibleng pinsala at peligro kapag may lindol.

Ang malakas na pagyanig ng lupa ay maaaring magdulot ng pagguho o pagkakabasag ng mga istraktura, at ang hindi maayos na pagkakasecure ng mga gamit ay maaaring magresulta sa injuries o mas malala, death.

Sa pamamagitan ng tamang pag-secure ng mga gamit, maari nating mabawasan ang posibilidad ng pinsala at mapanatili ang kaligtasan ng buong pamilya sa oras ng kalamidad.

 

4. Stay alert and informed

Ang pagiging alerto sa oras ng lindol ay lubos na mahalaga, dahil dito nakasalalay ang mga pwedeng mangyari sa atin.

Huwag mag-panic sa oras ng kalamidad upang mapanatili ang malinaw na pag-iisip at makapagdesisyon ng tama para sa sariling kaligtasan.

Kapag natapos ang lindol at down ang internet, telephone, at cell sites, mahalaga ang pagkakaroon ng alternative na paraan ng komunikasyon.

Ang mga devices tulad ng FM/AM radio ay maaaring maging mahalaga dahil hindi ito umaasa sa internet o cellular signal, kaya isama natin ito sa emergency kit at EDC.

Ang two-way radio ay maaaring magamit para sa lokal na komunikasyon, lalo na sa pag-coordinate sa pamilya o kapitbahay.

 

5. Pagsasanay

Gawin ang mga drills tulad ng NSED. Pagsasanay ito para maging automatic na ang mga tamang aksyon sa oras ng pangangailangan.

Ang regular na pagsasagawa ng mga drills at exercises, kabilang na ang seryosong pagsali sa mga ito tulad ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Ito ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng pagkakataon na ma-practice at ma-refine ang mga gagawin at aksyon sa oras ng lindol.

Ang maayos at seryosong pagsali (yung totoong seryoso) sa mga drills ay mahalaga dahil ito isang paraan para makita at maranasan natin, kahit hindi totoo, kung ano ang mga senaryo na pwedeng makita at maranasan sa tunay na lindol.

 

Serious preparedness is the key

Nakakatawa nga minsan ang makakita ng mga photos online na parang ang saya-saya ng mga kasali sa drills.

Who doesn’t experience this?

Magmula sa school, work at iba pang lugar, mayroong isinasagawang earthquake drills ang may mga autoridad.

Madalas kasi, ang mga ganitong drills ay hindi itinuturing na seryosong bagay ng nakararami.

From duck, hold and cover, pagsasagawa ng evacuation, at disaster reinactement, marami ang masaya, naka ngiti, tumatawa.

Pampalipas oras kasi ito para sa karamihan ng mga estudyante at empleyado.

Mahalaga na maipaintindi sa bawat kasali na ang mga drills ay hindi lang basta pampatawa o routine.

Ito ay oportunidad para matutunan at ma-establish ang automatic response ng ating mga sarili sa oras ng pagyanig ng lindol.

Siguro, mas mabuting i-highlight ang importance ng pagsasanay at ang mga posibleng resulta nito sa kaligtasan ng bawat isa, upang maging mas effective ang drills.

Prepare to survive.

One thought on “Mag-prepare at maki-isa sa Nat’l Earthquake Drill sa March 25, 2024

  1. Experience ko na itu. Earthquake drill daw tapos pinalinya kami.. ng maayos daw haha. Ano mamamatay ba kami by group?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *