7 bagay na dapat gawin para maiwasan ang home invasions

7 bagay na dapat gawin para maiwasan ang home invasions

Sa pag-iwas sa home invasion o pagpasok ng ibang tao sa loob ng property at bahay, para sa masasamang gawain, mahalaga ang maingat na pagpaplano at strategy.

Alam mo, madalas pag-usapan kung paano harapin ang mga magnanakaw kapag nakapasok na sa bahay, pero pwede rin natin pagtuunan ng pansin kung paano natin mababawasan yung chances na maging target ang bahay natin.

 

1. I-secure ang mga bintana at pintuan

You might think that this is very simple advise, at minsan nga, hindi na ito dapat pa na pinapa alala.

Pero marami sa atin ang nakakalimot na i-secure ang mga pwedeng daanan katulad ng mga bintana at pintuan.

Madalas natin itong hindi pinapansin, pero ang laki ng advantage kapag mayroon kang matibay na pinto at bintana na poprotekta sa ating bahay.

  • Grills – Importante ang paglalagay ng grills para sa mga bintana dahil nagbibigay ito ng dagdag na layer ng seguridad at nakakatulong sa pagpigil sa unauthorized na pagsilip, at pagpasok sa loob ng bahay.
  • Curtains – Para casual pero effective, pwede ring lagyan ng curtains o blinds para hindi kita ang mga gamit sa loob.
  • Reinforcement bar – Para sa mga pintuan, pwede din maglagay ng reinforcement bar. Binibigyan nito ng extra strength ang pinto, kung kayat hindi ito pwersahang mabubuksan ng basta basta. Pwedeng ito ay steel plate na ilalagay sa area ng lock para hindi basta-basta mabuksan.
  • Peephole – Another advantage din naman ang pagkakabit ng peep-hole upang makita natin kung isno ang nasa labas ng pintuan bago natin ito buksan.
  • Deadbolt – Ang deadbolt ay isang uri ng lock na hindi napipindot, napipihit o nabubuksan gamit ang knob sa loob; kailangan ng separate na key o turn knob para i-engage ito. Ang advantage nito ay nagbibigay ng dagdag na seguridad dahil mas mahirap itong buksan kaysa sa regular na knob lock. Ang deadbolt ay mas matibay at mas resistant sa forceful entry, kaya’t ito ay isa sa mahalagang security measures para sa mga pintuan.

At syempre, dapat lagi nating isara ang mga ito kapag wala tayo sa bahay.

Simple lang, pero ang mga small details na ito ang magiging game-changer para sa security enhancement ng ating tahanan.

 

2. CCTV

Kung may budget para sa surveillance camera, maaaring maging deterrent ang mga CCTV laban sa mga home intruders.

Yung presensya pa lang ng mga camera ay parang may invisible force field na nakakatakot para sa mga masasamang loob.

Kasi alam ng mga intruders na kapag may CCTV, ibig sabihin may record ng kanilang galaw at identity.

Mahirap na kalaban yung may documented evidence katulad ng footages.

Kung wala pang budget, pwede din naman maglagay ng fake CCTV, o dummy CCTV.

Maaari itong magamit bilang isang deterrent na nakaaasiwa sa mga may masasamang loob.

Bagamat hindi ito tunay na nagre-record ng video, ang presensya nito ay maaaring magbigay ng impression na ang property ay binabantayan ng surveillance system.

Ito ay maaaring magdulot ng pangamba o kaba sa mga potensyal na magnanakaw o intruders, na maaaring maging dahilan para sila’y mag-atubiling ituloy ang kanilang masamang plano.

Gayunpaman, mahalaga pa rin na tandaan na ang mga dummy CCTV ay hindi kapantay ng tunay na surveillance system, kaya’t hindi ito dapat maging pangunahing security measure.

Ang aktuwal na CCTV system na may nagre-record na footage at maayos na monitoring ay mas epektibo sa pagprotekta ng isang lugar.

 

3. Signages

Ang mga signages na nagpapakita ng security measures, tulad ng “24/7 CCTV Monitoring” o “Secured Premises,” ay nagbibigay ng psychological deterrence sa mga posibleng intruders.

Kapag nakakita sila ng mga ganitong signs, iniisip ng mga magnanakaw o masasamang elemento na mahirap targetin ang property na iyon.

Ang mga signages ay nagbibigay ng senyales ng mataas na security awareness, kaya’t posibleng pumili na lang sila ng ibang lugar na mas madaling pasukin.

Narito ang ilang halimbawa ng signages na pwedeng ilagay sa ating mga property.

  1. “24/7 CCTV Surveillance – Smile, You’re On Camera!”
  2. “Secured Premises – Strictly No Trespassing”
  3. “Protected by State-of-the-Art Security System”
  4. “This Property is Monitored Electronically – Keep Out!”
  5. “Neighborhood Watch in Action – Report Suspicious Activity”
  6. “Private Property – Unauthorized Access Prohibited”
  7. “Guard Dog On Duty – Enter at Your Own Risk!”
  8. “Do not enter – No warning shot!”
  9. “Electrified fence and doors”
  10. “Police live here”

Hindi man ito tunay na pisikal na proteksyon, ang psychological impact nito ay malaking tulong sa pagpapadala ng message na ang lugar ay maayos na bantay at hindi madaling kayaing pasukin.

 

4. Guard dog

Ang mga guard dogs ay maaaring maging epektibong form of deterrence dahil alam ng mga magnanakaw na ang aso ay sagabal sa kanilang mga plano.

Maaari nilang isipin na magdulot ito ng ingay, at makakasakit kung sila ay umatake, na maari namang bumuking sa kanilang presensya.

Ang aso ay maituturing na living deterrent dahil sa kanilang natural na kakayahan na bantayan ang kanilang teritoryo at maging alerto sa kahit anong kakaibang galaw.

 

5. Proper lighting

Ang paglalagay ng ilaw sa paligid ng bahay at property ay nagbibigay hindi lang ng pisikal na liwanag, kundi pati na rin ng psychological na epekto na nagiging deterrent sa mga posibleng magnanakaw.

Ito ay nagpapabawas ng mga shadowy areas na maaaring maging taguan ng mga masasamang elemento.

Bukod dito, ang maliwanag na lugar ay nagsasabing may tao, at nagbabantay sa lugar.

  1. Outdoor Lights: Ilagay ang outdoor lights sa entrance points tulad ng pintuan at bintana, pati na rin sa paligid ng buong bahay.
  2. Motion-Activated Lights: Gamit ang censor, umiilaw ito kapag may na-detect na pag-galaw sa paligid. Ito’y epektibo dahil nagbibigay ito ng biglang liwanag, na posibleng makapagpapa-taranta para sa mga uninvited guest.
  3. Solar-Powered Lights: Pwedeng magdagdag ng solar-powered lights para may ilaw pa din kahit na may power outage. Ito ay nag-cha-charge sa araw at nagbibigay ng ilaw sa gabi. Automatic na din itong umiilaw kapag madilim na sa labas.
  4. Smart Lighting Systems: Ang mga smart lights na maaaring kontrolin gamit ang mobile app ay magbibigay ng flexibility sa pag-adjust ng ilaw kahit nasa malayo ka.
  5. Timer-Operated Lights: Gamitin ang timer-operated lights para gayahin ang pang-araw araw na activity sa loob ng bahay, gaya ng pagbukas at pagpatay ng ilaw sa mga tiyempo ng umaga at gabi.
  6. Decorative Lights: Pwedeng din ang mga decorative lights na nagbibigay hindi lang ng ilaw kundi pati ng aesthetically pleasing na touch sa iyong property. Isang halimbawa nito ay ang christmas lights sa mga halaman at bakod.

 

6. Audio deception

Para sa ‘kin, isa na itong old school advise mula pa sa matatanda.

Ang simpleng strategy na ito ay magagamit lalo na kung walang tao sa property.

Ang pagbubuhay ng TV o radyo, para mukhang may tao sa loob ng bahay kahit wala naman, ay nakakapag taboy ng masasamang tao na maaaring pumasok dito.

Nagbibigay kasi ito impression na occupied ang lugar at hindi madaling target para sa mga magnanakaw.

Sa pamamagitan ng pag-create ng artificial na activity sa loob, iniisip ng mga masamang elemento na may mga tao sa bahay, kaya’t posibleng maging hadlang ito sa kanilang plano.

Ang fake noise ay isang smart na diskarte para mapanatili ang illusion ng safety kahit wala ang mga tao sa loob ng bahay.

 

7. Discreet your wealth

“Don’t flaunt your wealth,” isang paalala o payo na nangangahulugang hindi mo dapat ipagyabang o ipakita nang labis ang iyong kayamanan o materyal na bagay.

Tinatarget ng mga magnanakaw ang mga bahay ng mga taong nagyayabang ng kanilang kayamanan dahil marami silang pwedeng makuhang valuable items.

Pwedeng ito ay cash, alahas, gadgets, at marami pang iba.

Kung hindi mo ito ipapakita ng labis, lalong lalo na sa social media sites, hindi pagiinteresan ng magnanakaw ang bahay mo.

Hindi sila magaaksaya ng oras at i-risk ang kanilang kalayaan para sa mga bahay na wala silang makukuha.

Ang pagiging discreet at hindi masyadong magmayabang ukol sa iyong financial status o mga ari-arian ay isa sa mga safety strategy upang maiwasan ang home invasion.

 

Bakit mahalaga na maiwasan natin ang home invasion?

Hindi lang ito usapin ng takot, o katapangan na ipagtangol ang iyong property.

Mahalaga talagang iwasan maging target ng magnanakaw ang iyong bahay, dahil pag may home invasion, nalalagay sa panganib ang ating sarili, pamilya at ari-arian.

Kapag easy target ang bahay natin para sa mga magnanakaw, mas mataas ang tsansa na tayo ay maging biktima.

Hindi lang physical belongings ang pwedeng mawala, kundi pati na rin ang pakiramdam ng seguridad at privacy.

Kaya mas mabuting gawin nating challenging para sa mga ‘masasamang tao ang pasukin sa ating tahanan.

Prevention is key, para mapanatili ang katahimikan at kaligtasan sa ating sariling lugar.

 

Be prepared!

Bilang isang prepper, mahalaga ang deterrence, preparedness, at strategy sa pag-iwas sa mga burglars.

Ang deterrence, o pagpapakita ng pagiging handa, ay nakakatulong sa pagpigil sa mga magnanakaw na subukan ang iyong lugar.

Sa pamamagitan ng maayos na ilaw, CCTV, at mga signages na nagpapakita ng security strength, nagbibigay ito ng impression na ang iyong bahay ay may mataas na antas ng proteksyon.

Ang tamang preparedness naman ay nagbibigay ng kahandaan sa anumang sitwasyon katulad ng self defence.

Ang pagkakaroon ng security system, tamang locks, at pagsasanay sa pamilya para sa safety drills ay nagbibigay ng peace of mind at kapanatagan na handa ka sa anumang oras.

Sa pagsasanay ng prepper mindset na ito, mas malaki ang tsansa na hindi lang maiiwasan ang burglars kundi guaranteed safety sa loob ng ating property.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *