Emergency Kit Checklist, Rainy Days Edition, Alamin

Tag ulan na naman, baha dito, land slide doon. Ano-mang unos ang dumating, lamang pa din ang pamilyang may rainy season emergency kit.

Sa pag-gawa ng emergency kit, kailangan lamang nating mag handa ng mga basic supplies na maaring hindi available sa oras ng kalamidad. Ito ay dapat na tumagal ng atleast 72 oras, at sapat para sa bawat myembro ng pamilya.

Narito ang ating emergency kit checklist for rainy season

1. Tubig

Emergency Kit Checklist, Rainy Days Edition, Gallon, Container, Blue, Bottle, Water,

Inirerekomenda ng mga eksperto na ang bawat tao ay kinakailangan ng 3.7 litro, o isang galon ng tubig, bawat araw.

2. Pagkain

Emergency Kit Checklist, Rainy Days Edition Free Biscuits in Box

Sa oras ng kalamidad, mahalaga ang mga ready-to-eat food supplies at mga pagkaing madaling lutuin gaya ng mga sumusunod.

    • Canned goods tulad ng sardinas, instant ulam, at meat products.
    • Non-perishable pasteurized milk
    • Comfort or stress foods tulad ng candy at chocolate.
    • Palaman sa tinapay tulad ng Peanut butter, Jam, Liver spreads, mayonnaise at marami pang iba.
    • Tinapay at biscuits
    • Instant noodles (at thermos na may mainit na tubig)

3. Shelter

Free Tents on the Ground Stock Photo

Kung hindi maiiwasan na lumikas mula sa iyong tahanan papunta sa mas ligtas na lugar, importante na mayroon kang kagamitan tulad ng mga sumusunod;

    • Blanket (Kumot) – Magagamit upang higaan, proteksyon sa lamig at maging pansamantalang masisilungan.
    • Plastic – Magagamit upang ipambalot sa mahahalagang dokumento, damit, pagkain at survival electronic devices. Magagamit din ito bilang pansamantalang pananga sa ulan kung walang masisilungan. Inirerekomenda ko ang garbage bag sapagkat ito ay abot kaya na, multi-purpose pa.
    • Damit – Mahalaga na palaging may nakahandang damit, tuwalya at iba pang gamit pangkasuotan sa iyong emergency kit.

4. Communication devices

Importante na nalalaman mo ang nangyayare sa iyong kapaligiran, kung kaya, narito ang mga communication devices na maari mong ihanda.

Free Shallow Focus Photo of an Old Radio Stock Photo
https://www.pexels.com/photo/shallow-focus-photo-of-an-old-radio-3199028/
    • Radio – Battery o solar powered. Mahalaga rin na mayroon kang extrang baterya na tatagal ng 72 oras o higit pa.
    • Basic o Smart Phone – Importante din na mayroon kang kumunikasyon sa iba pang ka-anak sa malalayong lugar.
    • Handheld two way radio – Kung may extrang bugdet, inirerekomenda din ng mga eksperto na magkaroon ng handheld walkie talkie sa iyong emergency kit, sapagkat hindi natin alam kung hanggang kailan mayroong cellular phone signal sa inyong lugar.

5. Survival Electronic Devices

Free Black Flashlight Turned On Stock Photo

    • Flashlight – Kung may budget, inirerekomenda ang pag invest sa crank flashlight. Maari din naman ang mga rechargeable flashlights, bastat sigurihing ito ay fully charge bago mawalan ng kuryente sa inyong lugar. Kung ang flashlight naman ay de baterya, importante na magtabi ng extrang baterya na magagamit mo sa loob ng 3 araw o higit pa.
    • Emergency Lanyard – Magagamit ito na sa pagbibigay ng signal kapag may emergency.
    • Power Bank – Magamit ito sa iyong cellular phone, radio at maging ang LED bulb.
    • LED Bulb – Inirerekomenda ko ang paggamit ng 5V USB LED bulb sapagkat ito ay makapagbibigay ng sapat na liwanag ngunit hindi kumukonsumo ng malakas na kuryente mula sa iyong power bank.

6. Essential Tools

Pocket Knife, Knife, Sharp, To Cut

    • Knife – Inirerekomenda ang pagkakaroon ng tactical knife sapagkat ito ay mas safe at padadaliin nito ang pag-gamit mo sa kahit anong sitwasyon. Kung wala nito ay pwede na ang isang matibay at maliit na kutsilyo.
    • Portable Multi-Tools – Katulad ng swiss army knife. Magagamit ang koleksyon ng mga tools, tulad ng canned food opener.
    • Multi-use pliers- Magagamit sa pagputol ng kable, bakod, pagtatayo ng masisilungan at madaliang pag rerepair ng mga nasirang kagamitan.
    • Lighting tools – Tulad ng posporo, lighter, at Flint & Steel.
    • Fuel – Tulad ng disinfectant alcohol, petroleum gels, gasolina o kerosine.
    • Kandila – Maari ding gumawa ng kandila gamit ang mantika o lagis.
    • Whistle – Tulad ng emergency lanyard, magagamit ito sa pag-hingi ng tulong.
    • Kapote
    • Jacket
    • Payong
    • Duct Tape
    • Lubid

7. Sanitary at Medical Supplies

Free 20 Mg Label Blister Pack Stock Photo

    • Sabon at Shampoo
    • Anti-diarrhea
    • Antihistamine – Pangontra sa allergy
    • Pain relievers – Magagamit laban tooth ache, at kapag may injury.
    • Cough and cold medications
    • Maintenance medicines
    • Pain Relief Patches at creams

8. Importanteng Dokumento

    • Identification Document – Tulad ng birth certificate, national ID, drivers license at passport.
    • Family Picture – Mahalaga na mayroon kang dalang litrato ng mga myembro ng iyong pamilya. Mas madali at mabilis mo silang mahahanap sa ganitong sitwasyon.
    • Medical records, medications, and dosages.
    • Phonebook – Maaari kang gumamit ng isang maliit na notebook upang ilista ang mga phone numbers ng inyong pamilya, kamag-anak, maging ang emergency phone numbers.
    • Insurance documents

Preparasyon

Mahalaga na magkakasama ang mga nabanggit na kagamitan sa isang lagayan tulad ng bag, upang mas madali itong bitbitin sa oras na kinakailangan.

Matapos mong ihanda ang mga kagamitang ito, importante din na ito ay properly maintained. Ugaliing i-check ang mga kagamitang may baterya tulad ng radyo, flashlight at smartphone, upang masiguro na ito ay may sapat na power sa oras ng kalamidad.

Gayon din ang mga pagkain upang maiwasan ang pagka-sira nito habang nakaimbak sa loob ng iyong emergency kit.

 


References

  1. Stock photo by Pok Rie https://www.pexels.com/photo/flooded-small-village-with-houses-6471947/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *