Paano paghandaan ang Lindol?

Sa kabila ng modernong panahon at paglaganap ng modernong teknolohiya, wala pang natutuklasang paraan upang malaman kung kailan tatama ang isang lindol.

Pagusapan natin kung paano paghandaan ang pagtama ng lindol.

Bahay

Ang isa sa mga unang bagay na kailangan mong gawin bago ang isang lindol ay ihanda ang iyong tahanan.

Free Kapı Stock Photo

Kahit na hindi natin mapipigilan ang pagkasira nito, maaari mo pa ding masiguro na ang iyong tahanan ay hindi magdulot ng karagdagang panganib sa iyo at sa iyong pamilya.

  1. I-secure ang mga mabibigat na item tulad ng refrigirator, TV set, malalaking salamin, at mga istante.
  2. Ang mga mabibigat na bagay ay dapat ilagay sa mas mababang posisyon ng istante upang hindi sila maging sanhi ng panganib sa oras ng pag-galaw ng mga pinaglalagyan nito.
  3. Iwasan ang paglalagay ng mga babasagin at mabibigat na bagay sa mga lugar na tinutulugan.
  4. Panatilihing walang nakaharang na mga gamit na maaaring maka-abala sa fire-exit, pintuan, maging sa pinaglalagyan ng LPG at electric circuit breaker.
  5. Alamin ang mga ligtas na lugar sa loob ng inyong bahay na maaaring pag-taguan (duck, hold and cover) sa oras ng pag-galaw ng lupa.
  6. Maghanda ng Go-bag at ilagay ito sa isang lugar na madaling i-access kahit na sa oras ng lindol.

Supplies

Free First Aid and Surival Kits Stock Photo

Parte ng pagiging isang prepper ang pagkakaroon ng prepping supplies na makapagliligtas ng buhay at magiging tulay ng survival.

Narito ang mga halimbawa.

  1. Pagkain – Sasapat sa 3 araw o higit pa.
  2. Tubig – Mainam kung mayroon kang portable filter at mapagkukunan ng tubig malapit sa inyong lugar.
  3. Gamot – Mga basic at over the counter na gamot sa ubo, sipon, lagnat, pain killers, maintenance medicine at antibacterial.
  4. Portable Lights – Katulad ng flaslight (at battery), posporo, lighter, kandila, at iba pa na magagamit pang-pailaw.
  5. Communication device katulad ng AM/FM radio at two-way radio.
  6. Mga damit na nakabalot sa plastic
  7. Cash on hand na magagamit sa emergency
  8. Hygiene supplies tulad ng sabon, shampoo, alcohol, at iba pa.

Plano

Pagusapan ang ibat ibang sinaryo at mga kaakibat na plano.

Free A Family Sitting on a Couch Stock Photo

  1. Evacuation Site – Tiyaking alam mo at ng bawat myembro ng iyong pamilya ang mga safezone at evacuation sites malapit sa inyong lugar. Mas mabuti kung ang bawat isa sa iyo ay may dalang mapa na nagmamarka ng mga daanan atlokasyon nito.
  2. Communication – Dapat din’g magkaroon ng pamamaraan ng kumunikasyon upang makipag-usap sa isa’t isa. Sa ganitong sitwasyon, asahan na natin na ang mga linya ng telepono at mobile phone ay hindi accessible kung kaya’t importante ang pagkakaroon ng two-way-radio.

Sarili

Ang pinaka-mahalaga na ihanda ay ang iyong sarili sapagkat ang lindol ay maaaring tumama kahit nasaang lugar ka.

Free A Paramedic Holding a Bag Stock Photo

Ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit napakahalaga na handa ang iyong sarili sa pagtama ng isang malakas na lindol ay hindi mo maaaring iasa ang iyong sariling survival sa mga awtoridad at ibang tao.

Mahalaga ang biglaang drills sa loob o sa labas man ng tahanan, sasakyan at maging sa lugar na pinagtatrabahuan.

Bukod sa mga panganib na nabanggi, ang isa pang posibleng panganib na kailangan mong paghandaan pagkatapos ng lindol ay ang kaguluhan, o Civil Unrest. Maaari itong mangyari kapag ang mga tao ay hindi matulungan ng mga autoridad, at desperado na makakuha ng mga pansariling pangangailangan.

Conclusion

Ang pagtama lindol ay isang likas na pangyayari sa ating planeta na hanggang sa ngayon ay wala pang paraan upang malaman kung kailan ito tatama, at upang kontrahin ito.

Ang pagkakaroon ng plano, kakayahan, at sandata upang maipag tanggol mo ang iyong sarili at pamilya ang magpapataas ng tyansa ng inyong survival.

Laging tandaan na Magplano, Maghanda, Mabuhay!


Date published: August 3, 2022

Last update: June 23, 2023

13 thoughts on “Paano paghandaan ang Lindol?

  1. Posible po ba na anytime now yayanigin na tayo ng the big one dahil sa lindol sa Turkey? We have to be prepared for any eventualities. The govt can’t help us if a big earthquake happens in NCR. All rescuers will be shocked and overwhelmed sa dami ng magbabagsakang gusali. sobrang populated na kasi ncr

    1. possible po yann dahil hinog na daw yung marikina fault. maghanda lang tayo dahil wala pang technology na makakapag ligtas satin.

  2. For bug out bags. I would suggest MRE or any type of freeze dried food. Canned food when exposed to heat and temperature variances might bloat.

  3. Meron na po tech sa Jpan para malaman yung lindol. kaso seconds lang din.
    Pero, unusual animal behavior daw can give more advance warnings.
    1. Snakes, Centepedes even rats at mga lamang lupa leave their “homes” few days in advance to go to safer grounds.
    2. Dogs can smell trouble ahead that they begin to display signs of di mapakali.
    3. Birds, bats, and other flying animals migrate away from an epicenter.
    4. Umaahon yung sunfish mula sa malalim na lugar days before lumindol Facts About Ocean Sunfish – Mola Mola – Blue Season Bali
    5. Yung napanood ko sa YT nagising yung mga pusa seconds before the initial wave hits.
    https://www.youtube.com/watch?v=26LVYRh3zQg

  4. Sa lahat ng ayoko yung madaling araw ang lindol, kung kailan natutulog, di maiwasang mag panic kung magising ka nang dahil sa lindol 😔.

    Kwento po ng lolo ko nasa probinsya sila, 1960s ang manok umakyat na sa puno pati, ducks, pero 4pm pa lang. usually umaakyat daw ang manok sa puno ng before before sunset or padilim na at ducks never humahapon sa puno. nung gabi na yun lumindol ng mlakas

    1. Yung lindol na tumama sa Turkey at Syria ay nangyari bandang 4:30 ng umaga. mas malala kasi.malamig doon at maraming tao ang walang masilungan tapos malamig pa. then the authority advised people to stay outside kasi may threat of further building collapse. dapat talaga yung edc and gobag is laging handa.

  5. I believe in early warning. Anyone sa pusa nka nka experience? Kapit bahay ko kase mraming pusa ksi bka don mkakuha ako ng warning. dami na ksi ulam nakukuha sken khit man lang sa earthquake warning makabawe sila. haha. or dog atleast. para may bantay na din sa bahay.

  6. Hi all! For those of you who experience earthquake, ano po feeling?
    Sorry sa question newbie lang po. Never pa ko nakaranas ng lindol kasi.
    In situations like this, where are your preps? Do you have them in one location, or or multiple areas with duplicate gear? I ask because if something happened to your house (gas leak, faulty structure) where you have some preps, what do you do if you can’t get to them?

  7. Good for you di kapa nakaranas ng lindol. sa una para kalang mahihilo. wag mo na pangarapen hehe

    Anyway,, I have them equally divided between the three structures on my property. I also store smaller amounts at each of my family members homes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *