Bakit importante ang pagkakaroon ng Two-Way Radio as a prepper?

Bakit importante ang pagkakaroon ng Two-Way Radio as a prepper?

Palagi nating pinapaalala na sa paghahanda sa isang disaster, importante ang pagkakaroon ng ways of communication, and the best device to have is two way radio.

Ang pagkakaroon ng two-way radio ay isang effective way to communicate sa mga kaibigan, kapamilya, o rescue teams kahit na walang signal sa cellphone o internet.

Sa pamamagitan nito, mas madaling makakatanggap at makapagpadala ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga tao, mga pangangailangan, at iba pang mahahalagang detalye sa pagtugon sa krisis.

Maganda rin itong gamitin para sa koordinasyon sa iba pang myembro ng pamilya upang maisagawa ang plano prior to the disaster.

Dual Band Walkie Talkie Two-Way Radio - Ad

Ano ang two-way radio?

Ang two-way radio ay isang uri ng communication device na ginagamit para sa pag-transmit at pag-received ng mga information sa pamamagitan ng radyo waves.

Unlike mobile phone na nakabase sa cellular services, o telepono na kailangang connected sa telephone cable or internet lines, maaari mong tawagan ang ibang device at makausap ito gamit ang specific channels.

Ang mga two-way radio ay kadalasang ginagamit sa mga guards, construction sites workers, emergency responders, law enforcement agencies, military, at mga business establishments para sa coordinations.

Kaya ito ay isang mahalagang device to consider for disaster preparedness dahil sa kakayahan nitong magbigay ng instant na communication sa panahon ng kalamidad o emergency.

 

Ano ang pakinabang ng two-way radio during emergency?

Sa panahon ng emergency o kalamidad, ang two-way radio ay maraming pakinabang para sa indibidwal at mga concerning government agencies.

Narito ang ilan sa mga pwedeng pakinabang sayo ng two-way radio.

 

Instant communication

Magagamit ang two-way radio upang tawagan at makausap ang ibang mga kasama, rescuers, at iba pa ng real time, kahit na walang cellular coverage, internet o telephone connection.

For example is sa oras ng emergency, bawat segundo ay mahalaga at hindi dapat sayangin sa paghuhula kung saan matatagpuan ang iyong pamilya.

Ang pag-aaksaya ng oras na ito ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa kabuuang resulta ng pagtugon sa krisis.

Kaya’t mahalaga na mayroon kang paraan upang malaman agad kung nasaan ang iyong mga kasama.

Communication lines may be down, so ang only options mo ay gumamit ng two-way radio.

Dual Band Two Way Radio - Ad

Reliable way of communication

Ang cellular network coverage, telephone line at internet connection ay sobrang fragile, at hindi masaman sa oras ng emergency.

Because two-way radios are using point to point transceiving connections, we can assume na may reliable means of communication pa rin tayo.

 

Long range capability

Dipende na ito sa klase ng two-way radio, pero may mga unit kasi na may capability to transmit and receive long-range signals.

Kilala dito ang mga HAM radio devices.

Karaniwan, ginagamitan ito ng large capacity backup power supply dahil matataas ang wattage nito, at kinakailangan ng mataas na antenna upang makapag transmit ng mas malayo, at makasagap ng mas malinaw na signal galing sa malalayong lugar.

 

Portability

There is a reason there’s a device called portable radio.

Ito ay dinisenyo upang maging compact at lightweight, na nagpapadali sa pagdala at paggamit nito saanman.

Dahil sa battery-powered ang mga hand held radio, maaari itong gamitin kahit saan, at kahit kailan.

Pwede mo itong ilagay sa bahay, bug out vehicle, secret bugout house, GoBag, at Every-day carries.

Dual Band Two-Way Radio - Ad

3 types of two-way radio

Lets dive in sa ibat ibang uri ng two-way radio devices at mga pinag-gagamitan nito.

 

Walkie-talkie

Ang walkie talkie ay isang magandang choice para sa mga baguhan at wala pang alam sa pag-gamit ng two-way radio.

Madaling gamitin at madaling maintindihan ang mga basic functions nito, kaya’t hindi mo kailangang maging expert sa teknolohiya para magamit ito.

Low-powered ito, at magagamit for short distances lamang katulad pakikipag usap sa kapit bahay, o bahay na hanggang sa kanto.

Mura lamang din ito na mabibili natin sa halagang 500 pesos for 1 set na (2 pcs)

Kaya kung naghahanap ka ng simpleng way of communication sa maiksing distansya, consider having a walkie-talkie.

 

Handheld radio

Ang handheld mas advanced na version ng walkie talkie na kadalasang ginagamit sa mga propesyonal na setting tulad ng emergency services, security teams, construction sites, lalo na ng military.

Typically, mas mataas ang wattage nito that ranges from 1 up to 15 watts.

With the use of good antena and optimal environment, kaya nitong mag transmit hanggang 10km o higit pa.

May option na din tayong mamili ng channel o frequency na gagamitin natin sa paguusap gamit ang hand-held radio.

Maroon na din itong mga accessories tulad ng charger port, headset and microphone, LCD, frequency tuner, flash light, at marami pang iba, dipende sa unit at brand.

May mabibili ka ng ganitong unit ng radio for less than PHP 1,000 per device.

Dualband with FM RADIO portable two way radio walkie talkie - Ad

Multifunctional handheld radios

Ang mga ito ay mas advanced kaysa sa karaniwang handheld radios, at nagbibigay ng mas maraming mga function at capability na magagamit natin during emergencies.

Pwede mo itong gamiting upang mag send ng SMS, mag store ng local maps, at gumamit ng GPS para ma-track ang iyong location.

Depende sa mga unit at brand, ang iba ay may commercial AM/FM radio, clock at alarm, at iba pang features.

Ang mga ito ay kadalasang ginagamit sa mga propesyonal na setting tulad ng emergency services, law enforcement, search and rescue operations, at iba pa kung saan mahalaga ang mas advanced na mga communication at tracking capabilities.

Minsan ay mas mataas ang wattage nito kaya mas malayo ang range ng transmission.

Dahil sa packed of features ng portable radio na ito, ay karaniwang mas expensive din compare sa hand-held radio.

 

HAM radio

Mas advance naman ang setup ng HAM radio dahil mas mataas ang wattage nito at transmission range, na pwedeng umabot sa ibang bansa.

Para gawin ito, kailangang mag setup ng repeater, mataas na antenna, at power supplies.

Karaniwan itong ginagamit ng mga amateur radio enthusiasts, at napatunayang hindi lang para sa hobbies, dahil magagamit din ito para sa community.

Dahil sa maraming components nito, karaniwan itong ginagamit para sa base o home setups.

 

Channels used by two-way radio

Dahil ang radio ay gumagamit ng point to point transmission, kailangan nito ang dedicated channels.

Very High Frequency (VHF)

Ang VHF radio channels ay gumagamit ng frequency from 108 to 300 megahertz.

Using this spectrum allows the device to transmit in long-range kaya optimal ito sa mga outdoor areas like flat lands and seas.

Dual Band Ham Radio Transceiver - Ad

Ultra High Frequency (UHF)

Dahil ang UHF ay gumagamit ng mas maiksing wavelength, o frequency ranging from 400 to 512 megahertz, ito ang the best gamitin para sa mga terrain outdoor, urban areas na may mga matataas na gusali, at maging sa indoor.

A story about the actual use of a two-way radio

Noong humagupit ang Typhoon Yolanda (internationally known as Haiyan), napatunayan nating may pakinabang ang two-way radio.

Ito ay isang napakalakas na bagyo na tumama sa Pilipinas noong Nobyembre 2013.

Isa ito sa pinakamalakas na bagyo na naitala sa kasaysayan ng mundo, at nagdulot ito ng malawakang pinsala sa maraming lugar, lalo na sa Tacloban City at iba pang mga bayan sa Eastern Visayas.

Sa Tacloban at iba pang mga lugar na naapektuhan ng bagyo, talagang naputol ang mga communication lines.

Ang mga cellphone towers, telepono, at internet connections ay nawalan ng kuryente at nasira.

Dahil dito, napakahirap para sa mga residente at mga awtoridad na makipag-ugnayan sa labas ng isla upang humingi ng tulong o magbigay ng impormasyon.

Ang mga information katulad ng death toll ay naitransmit via HAM radios operator and including Tacloban Airport.

 

Isama ang Two-way Radio in your prepping

Two-way radios play a critical role in disaster preparedness by providing reliable and wide-ranging communication during times of crisis.

When traditional communication networks fail, two-way radios offer an essential alternative for instant coordination among team members, responders, and stakeholders.

Their portability, flexibility, and advanced features such as GPS tracking and text messaging make them invaluable tools for navigating through emergencies, whether in expansive territories or confined spaces.

By incorporating two-way radios into your disaster preparedness plan, you’re ensuring that you have a lifeline for communication when it matters most, ultimately enhancing the effectiveness of your response efforts and increasing the safety of your community.

Let’s prepare.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *